Idleness…

Weekend.  Eto na naman ang jolly-parot ng biskwet naghahanap ng mabubutingting, mangangata at magagwa dito sa office.  As usual pag hapon mas masarap humilata na lang sa aking malambot na kama sa aking malamig na kwarto habang emo mode factor with my ever dependable ipod kesa sa tumipa-tipa ng keyboard dito sa office at mag busy-busyhan.  Hayyzzz… kung mahirap mag busy-busyhan kapag walang trabaho, mas mahirap mag busy-busyhan kapag naka overtime ka!  Matuk mo ba na pumasok ng OT na wala naman talagang gagawin?  Hu-well, hindi naman sa gahaman ako at ipinasok ko pa ang isa sa aking dalawang rest days.  Gusto lang ng amo ko na nandito ako sa opisina sa kadahilanang hindi ma-arok ng aking dunong.  Eh sino naman ako para tumanggi divetch?  As long as merong payola komeni eh di go for gold!  Sabagay birthday na ng aking boo next month so maganda-ganda ang maireregalo ko sa kanya dahil happiness na naman ang payslip.  Ang tanong ng sambayanan, ano naman daw ang ibibili kong gift sa aking papable boo? At dahil lalake siya hindi naman pwede magregalo ng alinman sa mga laman ng kikay bag nila prinsesa ng drama or ni winkie.  Celphone at iTouch nabigyan ko na siya nung first 2 months namin.  Aah alam ko na!  Bakit hindi na lang ang mura kong katawan?  Harharhar!!!  Araaaay… sino sa inyo ang nambato ng kamatis sa fez ko???

Naglulumandi,

JBiscuit

2 comments August 20, 2009

Ambush Links

Because I’m new to WordPress blogosphere, wala akong tropa dito.  Malamang wala pa rin nakakabasa ng mga posts ko - konti pa lang ang kumakagat sa biscuit kaya naman naki-basa muna ako sa blogsite ng iba at ni-link ko ang ilan sa mga nagustuhan ko.  Ambush link kong tinawag kasi hindi ako nag paalam sa kanila bago ko sila ilagay sa blogroll links ko.  I hope they didn’t mind hehehe…

Heto sila in alphabetical order: bonistation; bratskymikey; dormboy; gasti; machongbutiki; prinsesangdrama at si winkiesworld

Basahin nyo blogs nila at tiyak ko mag eenjoy kayo!

Cheers!

Add comment August 18, 2009

Pagsasarili Sa Banyo

Hapon na naman at pag ganitong oras talaga dinadapuan ako ng antok sa office.  Wala akong magawa dahil naisumite (yan daw ang tagalog ng “submit”!) ko na ang report sa boss ko.  Wala na akong maisip na puntahang site dahil lahat ng site na gusto kong puntahan ay napuntahan ko na mula kanina.  Yung facebook naman naka-block dito sa office.  Okray talaga with a capital Oh! dahil boredom factor ang eksena.  Kinuha ko ang bag ko at hinalukay ko ang laman.  Nandito pala yung 4 Giga kong flashdisk.  Akala ko nawala na ito eh.  Naalala ko ang laman ng USB device na iyon at ayun kinapitan na ako ng talangka sa aking brain.  Buti na lang nakatalikod ang monitor ko sa pinto kaya paniguradong ako lang ang makakakita pag pinanood ko yung mga clips na pang “matured audience”.  Kumbaga, sensual ang tema (may ganun pa daw talaga eh kalaswaan naman talaga).  Anyway halu-halo naman ang movies dito – may straight M-toF, may M2M, may F2F, twosome, threesome, group etc.  Kumbaga there’s one for everybody.  Winner diba?

So ayun watch na ang biscuit from all categories at siguro mga nakakalimang clips na akong pinapanood meron na akong naramdamang kakaiba.  Parang merong napuno sa kaibuturan ko na kailangan ilabas.  Gusto ko sanang pigilin dahil ayoko pumunta ng banyo para gawin yun.  Pero lalo namang hindi ko pwede gawin dito sa kinauupan ko dahil baka mawindang naman ang mga officemates ko diba?  Ito ay nararapat lamang gawin behind closed doors ang eksena.  Gusto ko pa manood pero di na ako makapag pigil.  Parang mas masarap na ilabas ko na ito kaya ni-close ko na ang media player at dali-dali na akong pumunta sa banyo kung saan doon ko lang maaring gawin ito.

Aaahh… sa wakas nakarating din ako sa loob ng banyo.  Buti na lang wala akong kasabay sa ibang cubicle.  Eksaktong ako lang talaga.  Ako na ngayon ay naupo na sa toilet seat.  Sinimulan ko na ang dapat kong gawin.  Bawat impit, bawat buntong hininga, nababanaag ang sensasyon na aking nadarama.  May kiliting dulot kapag nailalabas mo ang init ng katawan.  Hanggang sa narinig kong merong pumasok sa loob ng CR.  This time pinilit kong hindi marinig nung nasa labas ng cubicle ang aking ungol habang may pakonti-konting lumalabas, pero hindi pa ito.  Inaantay ko lang ang pinakahuli at pinaka masarap na pagsabog. 

Lumabas na ang kung sino mang pumasok kanina kaya kampante na naman akong ituloy pa ang aking pagsasarili.  Ungol, ire, buntong hininga sa bawat sarap, bawat sensasyon na dulot nito.  Hanggang sa nararamdaman ko na ang pinaka aantay kong pagsabog.  This is it nararamdaman ko na talaga.  Lalabasan na ata ako… Aaah heto na siya….  Pakiramdam ko lumabas na lahat ng dapat lumabas kaya mababakas sa aking mga ngiti ang feeling of contentment, satisfaction… successful at nairaos ko na…  Constipated kasi ako actually at dahil sa laxative na ininom ko ayun nailabas ko rin, nakadumi na rin FINALLY!!!

Kadiri ba ang post ko?  Nyahahahaha…

PS:  You were not thinking of something else right?

Add comment August 18, 2009

Petiks Moment

Lumipas na naman ang isang araw at heto inaantay ko na lang ang uwian.  I spent half of the day dito sa office sa kaka-internet.  May mga pending na trabaho but then wala ako sa mood magtrabaho dahil pinuyat ako ni boo kagabi (hmmm… you know ahihihi..).  Naka 3 hours lang ako ng tulog kaya may pagka “high” ang drama ko ngayong araw.  Ilang minuto na lang pwede na ako lumabas at magkikita na naman kami ng boo ko and some other friends.  hayys promise matutulog ako ng maaga mamaya kemereseng mangalabit ang kuya nyo.  Hmp!

2 comments August 17, 2009

Unang Kagat!

Una sa lahat, ako ay isang tao (mabuti nang malinaw yan!) na nagtatago sa pseudo’ng “Jolly Biscuit”.  Ano ba, hindi “joli-biskwit” its “joh-lee-bizz-kit”.  Korek lagyan mo naman ng te-arts diba para mas malambing at senswal ang tunog aheheheh…  Bakit nga ba ito ang naisip kong pangalan?  Well, not for anything else or so (ayan nag-ingles na!).  Nagkataon lang kasi na habang sine-set up ko ang blog na ito eh ngumangata ako ng Oreos (nakaka dalawang pack na ako!) kaya naisip ko biscuit.  At bakit daw “jolly” ang “biscuit”?  Wala lang, masaya lang ako kasi kumakain ako ng biskwit este bizz-kit.  Yun lang naman yun noh, wag na tayong maglalim-laliman pa at sabihin naman ng iba eh nosebleed masyado.

To date, pitong taon na akong kumakayod dito sa Gitnang Silangan at nakikinabang sa kasaganaan ng kanilang langis.  Masasabi ko na ang pagpunta ko dito ang naging turning point ng buhay ko (background music: It’s My Turn by Diana Ross…).  Kasi it was here that I learned how to be independent and it was through working here that I got to realize some of my dreams.  Most importantly, andami kong natutunang mga bagay na alam kong magiging gabay ko sa pagtahak ng biyahe ng buhay!  (Oh diba may ganung factor talaga?! bwahahaha…)

Maraming bansag sa mga tulad ko- bakla/baklush, bading, silahis, paminta, mang-aagaw ng lakas, naglalakad na banko, etc. etc.  Sa kabila ng mga iyan hindi ako natinag dahil ang mga iyan ay katawagan lamang at ang mahalaga sa akin ay alam ko ang kinatatayuan ko at limitasyon ko.  Wala akong inagrabyadong kapwa.  At higit sa lahat… CARE KOOOOOOOO?  Ahahaha…

Seriously, ang blogsite na ito ay maging daan sana para makakilala pa ako ng mga bagong kaibigan sa blogosphere at makipagpalitan ng mga saloobin, balita at kung anu-ano pang mga bagay under the sea este sun pala.  Ang tao ay iba’t-ibang klase parang biskwit sa eskaparate… iba’t-ibang hugis, iba’t-ibang kulay subalit iisa lang ang tawag… bisquit… kumagat ka na lang…

Add comment August 17, 2009


Jolly Biscuit

Take a bite... you know you want to...

Baking Schedule

February 2010
M T W T F S S
« Aug    
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728

Jolly Oven

Freshly Baked

Assorted Bisquits

Mga Nakikagat Sa Biskwit